Miyerkules, Agosto 15, 2012


Mga Motorista sa North Cotabato Walang Dapat Ipag-aala - Salinas

Sinuguro ni Cotabato Police Provincial Office o CPPO Provincial Director Police Senior Superintendent Cornelio R. Salinas sa mga motorista na dumadaan National Highway at ang mga mamamayan ng North Cotabato na kontrolado na nila ang sitwasyon katuwang ang Armed Forces of the Philippines o AFP sa gitna ng pagbabanta ng BIFF. Ito ang kanyang pahayag sa isinagawang Press Conference kahapon Pagkatapos ng Inagurasyon at Turn Over ng “Prison With No Walls” kahapon sa District Jail Annex Compound, Amas, Kidapawan City. Nasa main supply road at roads networks ng North Cotabato ang pwersa ng pulisya upang masiguro ang kaligtasan ng mga dumadaang mga motorista. Ang kailangan lang ng mga kapulisan ay ang pagiging vigilante ng publiko sa ano man kahinahinala sa paligid. Ikinalugod naman ni Salinas ang pagbibigay ng impormasyon sa publiko sa mga text messages ng mga sightings ng mga armadong grupo. Di rin Maiiwasan na may mga tao talagang nagbibigay ng alarma sa publiko dahilan upang sila ay magpanic lao na sa mga transport sector. Kaya walang dapat ipag-aala ang publiko dahil ayon pa kay Salinas. J/P